Psst. You're back na pala? Congrats! Napatunayan mo na ang matagal na naming alam - na joke time talaga ang kakayanan ng NBI at PNP.
Teka, galing ka sa PNP di ba...?
At nagpa-presscon ka agad! Showbizzzzz! Pero sabagay, kelangan mo nga rin naman magpaliwanag kung bakit ka tumakbo, nagtago, lumabag sa batas na syang dapat pinagtatanggol mo bilang dating police chief at current lawmaker, and so on. Pero in furness, may time ka para magkwento ng natutunang mga putahe sa Google, i-confirm ang bagay na gustong malaman ng sambayanan (na really and truly nang break si Jodi at Pampi), at mag-guesting sa Umagang Kay Ganda para magluto. Ibang klase ka Ping!
So whazza plan man? Balik lang sa Senate? Like nothing happened? There's so much to choose from: pwede kang makigulo sa nagiging kalokohan nang hearings sa "alleged" (according to ANC, alleged pa rin) corruption sa AFP. Oo nga pala, ma-i-impeach ang ombudsman ng favorite ex-president mo! Handa na ba ang toga mo Ping? Chance mo na tong makabawi, tutal na screw-over ka nung huling nagka-impeachment, kay Pareng Erap, at brinaso ka tuloy na magbitiw sa PNP at mag-withdraw ng support. Gantihan blues na! Go go go!
Pero yun na yun, tapos na? Hindi naman siguro precedent-setting ang ginawa mo, no? Wala sigurong mga ibang akusado na mag-iisip na, kung senador na nga, na gumagawa ng batas, walang tiwala sa legal system, ako pa? Di naman. Di naman siguro magkakaroon ng mass disappearances ng mga suspect sa iba't ibang mga kaso, na pinatapang ng ginawa mo at ng katotohanang di ka naman talaga paparusahan sa paglabag mo sa isang lehitimong arrest warrant. Ang arrest warrant naman kasi, di naman proof of guilt. Ibig sabihin lang, may probable cause. E ikaw, takbo agad. Mukhang guilty tuloy.
Gets ko naman na wala kang tiwala kay GMA noon. Pero hello, ilang buwan nang nakaupo si PNoy. Excuses ka talaga! Nagmukha pa tuloy ngayon na suportado ni Presidente yung pagtatago mo, tsk.
Pero baka naman talagang di maka-influence sa ibang mga may kaso ang ginawa mo. Kasi feeling ko, ang ginawa mo ay patunay lang na dalawa ang hustisya sa Pilipinas. Ang una, para sa katulad mong mayaman at makapangyarihan, na pagkatapos bastusin ang due process at pasakitin ang ulo ng iba't ibang ahensiya ng gobyerno, e pwedeng lumantad na lang at magpa-presscon with matching life lessons at mga recipes na nakuha sa Google. Ang pangalawa, para sa mga akusadong snatcher, holdaper, etc., na dadalhin na lang sa Asuncion community precinct sa Tondo para hila-hilahin ang bayag habang nakahubad, tapos mawawala na lang.
But whatchagonnado di ba? Ganyan talaga sa Pinas no? Although, pag inisip mo, sana yung mga lawmaker na katulad mo e nag-ko-contribute sa pagbasag ng double standard na ito, imbis sa pag-reinforce sa kanya. Whatchuthink?
Well since alam naman namin na hindi ka naman talaga paparusahan, at since ikaw na ang nagsabi na ayaw mo nang tumakbo ulit, anong next move ni Ping? Pwede kang mag-TV! Mag cooking show ka ala Jamie Oliver! At Home with Ping! O kaya mag-host ka ng reality show! Mala-Amazing Race! Ang gimik ng show mo, hinahabol ang mga contestants! So maliban sa nagpapaunahan sila at may mga challenge, may mga kukunin yung show mo na ha-hunting sa kanila. Kelangan di magpahuli! Wag lang sana mga ex-NBI yung kunin mong hahabol ha?
Winner di ba? May future ka talaga Ping! Pwede ka rin maging Queen, este King of All Media!
Pero totohanin mo ha, wag ka nang tumakbo sa sunod na election, k? Mahirap kasing makita sa Senado ang katulad mong binastos na nga ang legal process, self-righteous pa. Inis.
No comments:
Post a Comment